BAKIT KAWAYAN?
Rimmon A. Paren
Master in Business Administration- Senior Student
Central Mindanao Colleges
Kung ang niyog ay itinuturing na Tree of Life, ang kawayan ay The Other Tree of Life. Lahat ng bahagi ng kawayan ay may kagamitan,walang masasayang.
Ang industriya ng kawayan sa bansang tsina ay nagbibigay lunas sa polusyon dahil sa kakayahan ng kawayan na mag absorb ng mapanirang usok na siyang dahilan ng Global Warming. Ang isang ektarya ng kawayan ay kayang higupin ang isang dosenang tonelada ng Carbon Dioxide na ibinubuga ng mga pabrika , usok ng mga sasakyan at walang habas na pagkakaingin.Ang punong kawayan ay tinaguriang carbon sequestrator at sa kakayahan nito na magbuga ng oxygen na 35% higit na mas marami kaysa sa ibang punongkahoy.
Kasabay nito ay ang kakayahan ng kawayan na magpigil ng tubig ulan para maiwasan ang madalas na pag guho ng lupa at mga pagbaha sa mababang bahagi ng lupain.Ang ugat ng kawayan ay kayang mag “bind” o pagtahi tahiin ang bahagi ng lupa hanggang sa anim na metro kwadradong lawak at lalim. Sa mga gilid ng sapa at ilog ay mainam din itong gawing pananim sa pag iwas ng mga pag guho. Inirekomenda na limang metro kwadrado ang distansiya kung ang kawayan ay gawing river embankment support. Mainam din ang kawayan na gawing pananim sa water conservation area ng mga water districts dahil mas malinis at dalisay ang tubig na sinala ng ugat ng kawayan.
Sa usaping pangkabuhayan, maraming gamit ang kawayan, ang industriya ng plantasyon ng saging ay nagangailangan ng maraming supply ng kawayan na gawing pantukod o propping. Mas malamig din ang bahay na maraming bahagi nito ay gawa sa kawayan tulad ng bamboo tiles flooring, bamboo panels para sa dingding at Bamboo fiber board sa kisame. Mabisa at matibay din itong pamalit sa kahoy dahil sa tibay at tatag ng punong kawayan o ang binibigyang konsiderasyon ay ang tensile strength nito. Ang bisikletang gawa sa kawayan ng Calfee Design sa US ay naibebenta ng $2,700 o katumbas ng humigit – kumulang sa 80,000 pesos dito sa Pilipinas. Marami na ring modernong kasangkapan na bamboo inspired tulad ng Asus Laptops,cellphone casings, ipad, IPOD, electric outlet/switch cover, furnitures, speakers, damit, flavone products, baby clothings, bedsheets, cosmetics at mga novelty items. Ito ay ilan lamang sa maaring maging gamit ng kawayan sa pagpapalago ng industriya ng kawayan sa pangkabuhayan.
Matagal mamatay ang kawayan, ayon sa pag aaral, umaabot ito ng 120 taon ngunit ayon sa ating mga kababayan ay walang kamatayan ang puno ng kawayan. Dito natin makikita ang konsepto ng sustainable livelihood at kaakibat ang pangangalaga ng kalikasan. Ang punong kahoy ay aabot ng mula sampu hanggang apatnapung taon bago magamit, at kung sakaling ito ay puputulin upang pakinabangan, maghintay na naman ng sampu hanggang apatnapung taon para tumubo at lumaki upang palitan ang nasirang puno. Subalit ang kawayan ay mula tatlo hanggang limang taon ay puwede ng simulan ang pagputol ng maari nang pakinabangan.Ang argumeto ay ang pag-gamit ng tao ng mga biyaya ng kalikasan, kagaya ng pagkalbo ng kagubatan dahil nga gagamitin ng tao ang mga troso sa iba’t ibang kadahilanan. At kung sakaling may puputulin na puno ng kawayan upang pakinabangan, may natitira pang klaster ng puno na tutubo at yumabong haggang sa dumami na ang puwedeng pakinabangan.Ang kawayan ay bahagi ng ating kultura, panatilihin ito at payabungin.
Sa kasalukuyan, ang kawayan ay maaring maging pagmulan ng bio-oil sa kakayahan nitong mag bigay ng 50.40k na bio-oil kumpara sa sorghum/tubo na 9.7k lang. sa 2,000 ektarya ay kaya nitong mag bigay ng hanggang 70 toneladang biomass feedstock, at may makukuha ka pang pagkain mula sa shoots o rhizomes nito, hindi into kumpetensiya sa pagkain para sa produksiyon ng enerhiya.
Nabigyan na rin ng pagpahalaga ng Regional Development Council and Industry Clustering program para sa kawayan. Dito sa probinsiya ng Cotabato, ang Nakayama Technologies ay nangangailangan ng 7,000 na puno ng apos at botong para gagawin nilang bamboo panels/planks at ito sy bibilhin na semi processed, ito ay nangangahulugang magkaroon ng kabuhayan sa mga kanayunan.
Kaakibat nito ay ang panawagan sa mga pinuno ng pamahalaan na bigyang pansin ang kawayan, ang pagtatala ng dami at bigyan ng pondo para sa pag aaral, pagsasanay at seryosong sagutin ang problema ng Climate Change o mga pagbaha. Tulungang hikayatin ang mga magsasaka pataniman ng kawayan ang mga lugar na halos din a mataniman dahil nasira sa mga abono, pestisidyo at landslide. Ang mga pampang ng sapa ay mainam ding pataniman ng kawayan para sa pagpigil malakas na agos ng tubig.
Kasabay nito ang panawagan sa mga environmentalist, bamboo enthusiast, bamboo artist, bamboo ornamental plant lovers, mga may plantasyon ng kawayan lalo na sa botong at apos na variety, na dagdagan pa ang pagsisikap at pagpupunyagi. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa kawayan, maaring bisitahin ang ating blogspot na anythingaboutbamboo.blogspot.com.
“Mahalin natin ang kalikasan at pasiglahin ang industriya ng kawayan”.
KAWAYAN PANTUKOD SA SAGING AVAILABLE
ReplyDelete(pwede pud pangkoral o pang-kubo unsa ba)
inyo ang truck/tao nga muharvest
Area - #tamayong, #calinan #davao
assumed number of harvest - 5000-7000 pieces
P8.50/piece (0915-4283058)
Borgata Hotel Casino & Spa - MapYRO
ReplyDeleteFind 강릉 출장안마 the cheapest 부천 출장마사지 and 경상남도 출장안마 quickest way to get from Borgata Hotel Casino & Spa to Borgata 제주 출장샵 Casino & 평택 출장샵 Spa in Atlantic City (New Jersey).